Natagpuang patay ang isang dalagitang babae sa bayan ng President Quirino sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kamakalawa ng hapon, November 5.
Kinilala ng President Quirino MPS ang biktima na si alyas Jennifer, 17 at isang estudyante ng ALS na nakatira sa Barangay Tinaungan sa nasabing bayan at lalawigan.
Natuklasan aniya ang bangkay ng biktima ng isang magsasaka sa masukal na bahagi ng Barangay Malingon.
Dagdag pa ng tala ng kapulisan, may tali sa kamay ang biktima at nagtamo ito ng malaking taga sa bahagi ng ulo nito na maari nitong ikinasawi.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing munisipalidad upang matukoy ang salarin at ano ang motibo dito.
Base sa salaysay ng pamilya, Nobyembre 4 ng huling makitang buhay si Jennifer ng sunduin ito ng mga lalaking nakamotorsiklo sa kanilang pamamahay.
Samantala, iniuwi naman na ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan ang bangkay ng dalagitang si Jennifer.