Nagsagawa ng search and retrieval operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) katuwang ang mga opisyal ng Barangay Poblacion 1 at ang Philippine Coast Guard matapos ang insidente ng pagkalunod na naganap dakong ala-una ng hapon nitong Disyembre 7, 2025 sa Poblacion 1, Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si Jerry, 47 taong gulang at residente rin ng nasabing barangay.
Sa tuloy-tuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga awtoridad, natagpuan at narekober ang katawan ng biktima bandang alas-4:00 ng hapon kahapon, Lunes, sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.
Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kinauukulan sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Jerry, at pinuri rin ang mabilis na aksyon at dedikasyon ng mga rumespondeng ahensya.
Pinaalalahanan naman ang publiko na manatiling maingat at mag-ingat lalo na sa mga lugar na malapit sa katubigan.

















