Pinangunahan ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang pagdiriwang ng 634th Celebration of Local Governance and Public Administration of the Province of Sulu o kilala bilang Bangsa Sug Day.

Mismong ang gobernador ng lalawigan ang nagpatunog ng gong bilang simbolismo ng nasabing selebrasyon sa Multi Purpose Gym ng nasabing probinsya.

Naging katuwang nito ang Provincial Sports Development Office sa pangunguna ni Bin-Auf Jalilul.

Ang naging pagbubukas ay naging hudyat ng muling pagbubukas sa kwento ng nakaraan, ang mga makasaysayang paglaban ng ating mga ninuno at ang legasiya nito para sa susunod na saling lahi ng Bangsa Sug.

Ayon pa sa gobernador ang naturang programa ay hindi lamang sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Sulu kundi ito ay pagtawag sa selebrasyon ng kalayaan, pagkakaisa at positibong pagtingin tungo sa pagpapalaganap ng mas malakas na lalawigan.

Sa huli idinagdag pa ng alkalde na ang anibersaryo ng gobyerno ng Sulu ay isang pagpapatunay sa pagiging matatag at selebrasyon ng panalo laban sa pagkukubli ng nakaraan at pagpapalakas ng ipinagpapatuloy na pagpupursige ng lalawigan sa mas naunang pagbabago patungo sa mas maaliwalas at malakas na Lupah Sug.