Malugod na tinanggap ng pamahalaang Bangsamoro ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Europa sa isang pagpupulong na ginanap sa Bangsamoro Government Center.

Kabilang sa mga dumalo sina Ambassador Anna Ferry ng Sweden, Ambassador Franz-Michael Mellbin ng Denmark, Ambassador Saija Nurminen ng Finland, at Ambassador Christian Halaas Lyster ng Norway. Kasama rin sa pagbisita sina Mr. Nikki Delfin, Senior Adviser ng Norway, at Director Al-Bari Macalawan ng DFA Mindanao.

Sa kanilang talakayan, muling pinagtibay ang pangako ng Bangsamoro at ng mga international partners na ipagpatuloy ang kapayapaan, palakasin ang seguridad at katatagan, at isulong ang pangmatagalang kaunlaran—batay sa prinsipyong nakaugat sa moral governance.

Bilang bahagi ng kanilang iisang pananaw at pagtutulungan, patuloy nilang tinatanganan ang hangaring makapagtatag ng isang Mas Matatag na Bangsamoro para sa susunod na mga henerasyon.

All photo credits to ICM Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua Official FB Page