Inihayag ng Bangsamoro Darul-Ifta’ na gaganapin ang opisyal na Ramadhan Moon-Sighting sa Pebrero 17, 2026 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa BGC, Cotabato City.
Ayon sa opisyal, pangungunahan ni Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf A. Guialani ang seremonya kung saan opisyal niyang idedeklara ang pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadhan para sa rehiyon.
Pinaiigting ng Bangsamoro Darul-Ifta’ ang panawagan sa mga Muslim sa rehiyon na makiisa sa pagtitipon bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pasasalamat, at muling pagtibay ng pananampalataya sa pagpasok ng sagradong buwan.

















