Malugod na binati ng BARMM Government sa pamamagitan ng isang statement na inilabas ni BARMM Spokesperson Mohd Asnin Pendatun si MP at Minister of Social Services and Development Atty. Raissa Jajurie sa nakuha nitong prestihiyosong Government Service Award sa 2024 Traditional University Awards ng Ateneo De Manila University.

Si Jajurie na isang human rights lawyer at miyembro ng MILF Peace Panel ay karapat dapat na tumanggap ng karangalang nabanggit dahil sa dedikasyon at naging trabaho nito sa Bangsamoro Government.

Aniya ang nakuhang karangalan ni Jajurie ay magsisimbolong inspirasyon para sa Bangsamoro na magpabuti at magpatuloy. Sa huli, sinabi ni Pendatun na lubos na ipinagmamalaki at ikinararangal ng buong Bangsamoro ang karangalan na nakuha ni Jajurie.