Patuloy sa pagdeploy ng QRT’s at LDRRMOS para sa Maguindanao Norte IMT ang Bangsamoro READi alinsunod sa kautusan ng Bangsamoro Government na kung anumang tulong ang kailanganin ng mga apektadong lugar ay kagyat na ibigay.
Ito din ay suporta din ng Bangsamoro READi sa bayan ng Matanog na lubhang tinamaan ng pinsala.
Natagpuan na rin sa tulong ng Bangsamoro READi ang dalawa sa (4) apat na naiulat na nawawala bunsod ng matinding pagbabaha at ulan dulot ng ITCZ.
Bukod sa mga QRT’s, idinagdag na din ang pagtatalaga sa mg ICS Trained Local Disaster Risk Reduction and Management officers na umaagapay sa aktibadp nang IMT ng lalawigan.
Tatlo ang patay kabilang na dito ang isang bata, 19 naman ang sugatan at 942 naman ang apektadong pamilya ayon sa pinakahuling tala na natanggap ng Bangsamoro DRMMC Emergency Operations Center.
Naka-activate ang blue alert status ng EOC dahilan upang mag monitor ng 24 oeas ang mga LDRMMOS maging anf mga QRT’s ng Bangsamoro Readi.
Patuloy naman ang SRR at debris cleaning sa lugar at nagbigay tulong na din ang MSSD sa lugar.