Humahataw sa bilang ng may pinakamataas na tala ng Election Related Violences o ERVI’s ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ayon sa COMELEC.

Sa datos ng Pambansang pulisya, 29 na insidente ng ERVI o karahasang may kaugnayan sa halalan ang naitala hanggang nitong Lunes kung saan karamihan sa 29 cases ay galing sa BARMM.

Ayon sa hepe ng pollbody na si Chairman George Garcia, ang bilang ay batay sa mga naitalang insidente mula noong Oktubre 2024 hanggang Marso 1 ng taong kasalukuyan.

Gayunpaman, sa bilang na 29 ay hindi pa kasama ang mga insidente sa Abra at Lumba sa Lanao del Sur.

Dahil dito, humiling na ng pagsaklolo si Garcia sa PNP na muling suriin o tignan ang kasalukuyang sitwasyon ng BARMM upang matiyak na magiging ligtas, maayos at payapa ang halalan sa Mayo 12, 2025.