Inilabas na ang mock design ng tinaguriang Bangsamoro Skyway sa Super City of Cotabato. Ito ay pinag-aaralang maipatayo ng Cotabato City Government sa pamumuno ni Mayor Bruce Matabalao.

Sa FB post ni Mayor Bruce, ang pagpapatayo nito aniya ang posibleng solusyon sa trapiko ng lungsod kasabay ng paglago ng ekonomiya at paglaki ng populasyon sa lugar.

Ang naturang skyway ay itatayo mula sa Tantawan Park hanggang sa may Udtog Matalam Street bago mag Peoples Palace sa lungsod ng Cotabato. Sa mga susunod na panahon ay isasangguni ng alkalde ang panukalang ito sa mga urban planning indivuduals at mga eksperto sa transportasyon.