Nagpahayag ng panawagan si Bangsamoro Wali Muslim Guiamaden sa mga miyembro ng MILF na magkaisa at yakapin ang konsepto ng Political Jihad bilang ang organisasyon ay nasa transisyon mula sa armado patungong politikal at societal na pwersa.

Naganap ang panawagan sa nagpapatuloy na asembliya at pulong ng pwersa sa Camp Darapanan ngayong araw ng lunes. Idiniin nito ang tunay na pakahulugan ng Jihad at nilinaw naman nito na hindi ito kalinya ng pakikibaka bagkus ito ay pakikipaglaban na nakabuon sa pagkakaisa ng mga Muslim at upang makamit ang maayos at mapayapang buhay at mapabuti ito.

Ipinaliwanag din ng Bangsamoro Wali ang pagkalas ng MILF sa mission nito na armadong pakikipaglaban tungo sa mapayapa at demokratikong pakikipaglaban sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga pulitikal na proseso ng ating bansa.