Matagumpay na naisagawa ang boluntaryong pagsuko ng mga baril sa bayan ng Lugus, Sulu noong Marso 16, 2026 bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapayapaan sa lugar.
Pinangunahan ng tropa ng 104th Infantry Battalion katuwang ang Lugus Municipal Police Station ang turnover ng isang M1 Garand rifle at isang .45 caliber pistol mula sa mga sibilyan.
Malaki ang naging papel ng mga lokal na opisyal at barangay leaders sa nasabing inisyatibo na nagpakita ng matibay na kooperasyon sa komunidad.
Ayon sa militar, sumasalamin ang boluntaryong pagsuko ng armas sa tumataas na tiwala ng mamamayan sa mga awtoridad.
Tiniyak naman ng mga otoridad ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa Sulu.

















