Dumalo si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa isinagawang Grand Kanduli- Thanksgiving on IP Communities para sa pagkakapasa ng IP Code sa BTA Parliament.
Ayon kay CM Ebrahim, ang IP Code umano ang katuparan ng pangako ng prosesong pangkapayapaan sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law o BOL.
Ito rin aniya ang katuparan ng kanilang patuloy na ipinaglalaban at ang karapatan para sa sariling determinasyon at masiguro ang pagkakaroon ng mga katutubo ng maayos na kalusugan, edukasyon at oportunidad sa empleyo.
Sa huli, sinabi ni CM Ebrahim na mahalaga ang pagkakapasa ng naturang batas dahil ito ay isang mahalagang hakbang sa pagkilala, pangangalaga at pagtataguyod sa karapatan ng mga IP’s sa rehiyon.