Welcome Development para sa Bangsamoro Government ang pagkakausog ng dalawang kapulungan ng kongreso at senado sa dapat aniya ay May 12 First Bangsamoro Parliamentary Election.
Napagkayarian ng dalawang kapulungan na iurong ang naturang halalan mula May 12, ito ay magaganap na sa October 13 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa BARMM Government, ang naturang Legislative Action na sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos ay sumasalamin sa pagkakaroon ng maayos at smooth transition bago pa man magsagawa ng unang halalang pang parliamentaryo sa rehiyon.
Dagdag pa nito, ang pagkakaurong ng petsa ng halalan ay isang hakbangin upang magawa pa ang mga naturang reglamentos o inaatas na nakapaloob sa Bangsamoro Organic Law o BOL at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.
Bukod pa rito, magkakaroon pa aniya ng takdang oras ang Regional Government na maiayos ang mga hakbanging legal at pangseguridad kagaya na lamang ng pagkakabura ng lalawigan ng Sulu sa rehiyon na labis na nakaapekto sa daloy ng serbisyo, hurisdiksyon at representasyon.
Sa huli, nagpasalamat naman ang Bangsamoro Government sa kamara, senado at maging kay Pangulong Marcos sa pagdinig nito at pagbibigay aksyon sa mga kinakaharap na hamon ng BARMM Region.