Nalulungkot at nakikiramay ang Bangsamoro Government sa pagpaslang kay South Upi Vice Mayor Roldan Benito.

Sa naging panayam kay Cabsec at BARMM Spokesperson Mohd Pendatun, malaking kawalan ang pagpaslang kay Benito dahil isa itong mahusay na lingkod bayan at kasamahan sa gobyerno.

Naglabas din ng pahayag at pagkundena si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at iniutos ang agarang pagkakalutas sa kaso ni Benito.

Magugunita na noong nakaraang Biyernes, pinaslang patay ang bise alkalde kasama ang kanyang escort na si Weng Ramos habang nasa daan pauwi ng kanilang pamamahay.

Sugatan naman ang asawa at anak ng naturang bise alkalde.