Papaimbestigahan ng BARMM Government ang umano’y kahinahinalang kaltas sa Local Government Support Fund o LGSF sa lalawigan ng Lanao del Sur upang gamitin sa umano ay espesyal na operasyon.

Ito ang naging sagot ni BARMM Spokesperson and CabSec Asnin Pendatun sa naging malayang pagtatalumpati ni Lanao del Sur Congressman Zia Adiong nito lamang sa makipot na kapulungan ng Kongreso.

Dead serious umano kung maituturing ni Pendatun ang pamahalaang Bangsamoro sa pagtitiyak na masasakdal ang mga nasa likod ng anumalya na ito na gumagamit sa opisina ng Chief Minister Ahod Ebrahim para sa mga makasarili at iligal na transaksyon.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng BARMM na ang pamahalaang Bangsamoro ay may pananagutan sa tamang paggamit ng pondo at kanilang hahabulin ang sinumang mapapatunayang nagwaldas o nanamantala dito.