Wala pang inilalabas na opisyal na mga pangalan ng itatalagang mga mamumuno sa walong tatag na bayan na sakop ng Special Geographic Areas o SGA ng BARMM.

Sa inilabas na statement ni BARMM Spox Mohd Asnin Pendatun, kinlaro nito na wala pa silang opisyal na inilalabas na listahan hinggil dito. Nagdudulot di umano ng kalituhan sa publiko ang nasabing mga di beripikadong listahan.

Samantala, ayon pa sa BARMM Government iaanunsyo na nila ang mga pangalan ng appointees pag nakumpleto na nila ito sa lalong madaling panahon.

Pinaalalahanan din nitonang mamamayan na wag na ipakalat ang fake informations na galing sa di beripikadong sources o tala.