Lumagda sa isang kasunduang pagaalyansa ang mga pinuno ng liderato ng BGC o BARMM Grand Coalition. Ang paglagda ay upang mapagtibay ang mga prinsipyo at layuning napagkasunduang isulong ng kanilang alyansa.

Kabilang sa nakasaad sa kasunduan ang kanilang pangako na isusulong at ipatupad ang mga nakalagay sa peace agreements sa rehiyon ng Bangsamoro.

Pinirmahan kahapon, Hulyo 23 ang kasunduan nina BGC Head at Salaam Party President Sulu Gov. Abdusakur Tan, Lanao Sur Governor Bombit Adiong na pinuno ng partidong SIAP, ang Al-Ittihad Party nang magasawang Maguindanao Sur Governor Bai Mariam at dating TESDA Secretary Teng Mangudadatu at Basilan Congressman Mujiv Hataman ng Bangsamoro Peoples Party o BPP.