Muling nakapagtala ng mababang rate of inflation ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA-BARMM, naitala ng BARMM ang 1.7% inflation rate nitong nakaraang Nobyenbre. Dahil dito, isa ang BARMM sa may lowest inflation rate sa bansa kabilang na ang Region 12 – Soccsksargen at Region 13- Caraga Region.

Sa bawat probinsya ng BARMM, mataas ang inflation rate ng Sulu na 3.5 percent, sinundan ng Lanao Sur na may 2.5 percent habang ang Maguindanao ay nagtala ng 1.9 percent, Basilan na may 1.8 percent at Tawi Tawi na siyang mababa na may 1.4 percent.

Ang Lungsod ng Cotabato naman ay bahagyang tumaas sa 3.9 nitong Nobyembre mula sa dating 3.3 noong buwan ng Oktubre.

Ang average inflation rate ng BARMM mula Enero hanggang nitong Nobyembre ay 4.2 percent.