Members and representatives of the Bangsamoro Memorial Management Board (BMMB) convene for the first time on May 15, 2025, at the Bangsamoro Museum, Bangsamoro Government Center, Cotabato City to formally initiate the implementation of two key legislative acts—the BAA No. 60 and BAA No.61, which seeks to honor the heroes of the Bangsamoro struggle. (Photo courtesy of BCPCH)

Gumugulong na ang hakbang ng Bangsamoro Government para kilalanin at alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay sa laban para sa Bangsamoro.

Pinangunahan ng Bangsamoro Memorial Management Board (BMMB) ang unang pulong nito noong Mayo 15 sa Cotabato City, kasabay ng pagsisimula ng pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomy Act No. 60 at No. 61.

Sa ilalim ng mga batas na ito, itatayo ang Bangsamoro Memorial Marker at Eco-Park sa Camp Abubakar, Maguindanao del Norte, at opisyal namang kikilalanin bilang heritage site ang libingan nina MILF Founding Chairman Sheikh Salamat Hashim at Vice Chair Alim Abdul Aziz Mimbantas sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon kay Salem Lingasa ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage, ito ay hindi lang simpleng proyekto, kundi isang makasaysayang panata na kilalanin ang mga tinaguriang “shuhada” o mga martir ng Bangsamoro struggle.

Layon ng mga memorial site na ito na magsilbing alaala ng sakripisyo ng mga Moro, at sabay na magsulong ng makabuluhang turismo na nakaugat sa kasaysayan at kultura ng rehiyon.