“Ituloy ang serbisyo at wag panghihinaan ng loob”. Ito ang panawagan ni MILG Minister At MP Atty. Sha Dumama Alba sa mga manggagawa ng Bangsamoro Government na nakabase sa probinsya ng Sulu matapos ang nakayayanig at nakalulungkot na deklarasyon ng kataas-taasang hukuman.
Ayon sa kanya, naging malaki ang dagok ng desisyon at epekto nito sa mga nasa sektor ng manggagawa, guro maging mga pagawain at mamamayan sa lalawigan ng Sulu. Subalit aniya, may mga hakbang na ginagawa ang pamahalaang Bangsamoro upang mabigyan ng solusyon ang malawakang bigat ng desisyon at ilan rito ay ang pakikipagtalastasan sa mga ahensyang makakatulong upang magkaroon ng continuity o pagpapatuloy sa mga proyektong nasimulan ng BARMM sa Sulu.
Ayon pa kay Minister Alba, tiniyak nito na di aabandonahin ng BARMM ang Sulu sa kabila ng naging malaking dagok ng desisyon sabay hiling nito na magkaroon ng kalinawan at solusyon ang pamahalaan uoang di aniya maipit ang mga ahensiya ng BARMM lalo na ang mga mamamayan ng lalawigan ng Sulu.