Walang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Kristine as of October 23, 2024 ang rehiyong Bangsamoro ayon sa tala ng Bangsamoro READI na nasa facebook page nito.
Ngunit kahit na zero casualty ang rehiyon, di pa rin nakaligtas sa hagupit ni Bagyong Kristine ang aabot sa 35, 890 na pamilya ng dalawang probinsya sa rehiyon na Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na binubuo ng siyan na munisipalidad at 86 na mga baryo.
Nasa anim na evacuation centers na binubuo ng dalawa sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, 3 sa Datu Piang at 1 sa Datu Hoffer parehas sa Maguindanao Del Sur ang 261 na pamilya.
Sa tala ng mga nasirang kabuhayan, 145 na ektarya ng pananim ang nasira na may katumbas na 1,982,000 na halaga ng pinsala at 135 na maguuma ang apektado dito.
Sa ngayon patuloy pa rin ang pagdami ng bilang na mga ito ngunit ito naman ay binibigyang tulong ng BARMM government katuwang ng mga ahensya ng Bangsamoro kagaya ng Bangsamoro READI, Project Tabang at iba pa.