Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang turnover ng 28 na Bagong Pilipinas Mobile Clinics nito lamang biyernes, Setyembre 20.
Layunin ng mga mobile clinics na magkaroon ng makabagong sulusyon na magbibigay ng pangunahing serbisyo sa pangkalusugan ng mga Pilipino lalo na sa mga lugar na kulang sa serbisyo at disadvantaged.
Kasama ni PBBM ang Unang Ginang Liza Araneta Marcos na namahagi ng deed of donations sa 28 na benepisyaryong probinsya ng mga nasabing Bagong Pilipinas Mobile Clinics.
Sa rehiyon ng BARMM, tumanggap ng limang mobile clinics ang Ministry of Health na nakalaan para sa ibat ibang lalawigan ng BARMM.
Sa pangangasiwa ng DOH, ang mga mobile clinic na ito ay nilagyan ng mga kagamitang medikal tulad ng nakikita sa mga ospital o klinika kagaya ng kagamitan sa laboratoryo at iba pa.
Nauna na ding nagpadala ng 14 mobile clinics na patungo sa Cagayan de Oro City ang pamahalaan sa pamamagitan ng Roro Vessel at ang mga natitirang sasakyan ay dadalhin sa GenSan sa susunod na araw.