Bilang parte ng pagagapay sa mga lokal na pamahalaan na sakop ng BARMM, agad na nagbigay ng kagyat na ayuda ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READi sa mga pamilya na nakatira sa mga tinatawag na low lying areas sa dalawang munisipalidad na sakop ng SGA BARMM, ang Tugunan at Ligawasan.
Relief food packs ang tinanggap ng mga pamilya na naapektuhan pa rin ng nagdaang bagyong Kristine. Labis naman na pinasalamatan ng mga pamilyang apektado ang Bangsamoro READi sa tulong na ibinigay nito.