Kinumpirma ni Bangsamoro Government Cabinet Secretary at tumatayong Spokesperson Mohd Asnin Pendatun ang ginawang operasyon ng PNP, CIDG at NBI sa mga opisyales ng SGA BARMM na nagsasagawa ng training seminar sa isang hotel sa lungsod ng General Santos.

Ayon kay Pendatun, pansamantalang nahinto ang seminar dahil sa paggagalugad ng mga otoridad sa lugar ng seminar.

Paliwanag naman ng mga otoridad, mayroon silang hinahanap kung kayat ginalugad nila ang lugar.

Una nang sinabi ni Nabalawag OIC Mayor Anwar Saluwang ng matanong nya ang mga otoridad kung ano ang pakay nito at sinabi lamang sa kanyang strictly confidential ang nasabing pagpasok ng mga ito sa venue.