Ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA, patuloy na naaapektuhan ng Easterlies ang rehiyon ng Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inaasahang magkakaroon ng bahagyang maulap, hanggang lubhang maulap na kalangitan sa rehiyon, na may kasamang paminsang pag-ulan o kulog at kidlat sa ilang lugar.

Binabalaan ang publiko sa posibilidad ng flash floods at landslides, lalo na sa mga lugar na makakaranas ng matinding pag-ulan at malalakas na bagyo.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat at patuloy na makinig sa lokal na babala ng panahon upang maiwasan ang anumang panganib.