Binanatan ni Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang naging banta ni House Speaker Martin Romualdez laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ang reaksiyon ni Baste ay kaugnay ng naging pahayag ni Romualdez na maaaring ma-impeach ang mga mahistrado ng Korte Suprema—isang pahayag na umani ng batikos mula sa alkalde.
Matatandaang kinumpirma ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema, na natanggap na ng mataas na hukuman ang isinumiteng motion for reconsideration ng House of Representatives kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Korte Suprema, labag ito sa Konstitusyon matapos ang isinampang petition for certiorari ng ilang abogado na kuwestyunin ang proseso ng pagdulog ng impeachment case sa Kamara, kung saan nakita ng korte na mayroong grave abuse of discretion.
Samantala, kinuwestiyon din ni Baste ang programa ng administrasyon na P20 kada kilo ng bigas. Aniya, tila hindi naman ito nararamdaman ng karamihan at pinipili lamang umano kung sino ang maaaring makinabang dito.