Isang batang babae ang sugatan at isinugod sa bahay pagamutan matapos na mahit and run ng isang fortuner sa Buayan sa bayan ng M’lang. Taga F. Cajelo sa bayan ng Tulunan ang nasabing 7 years old na bata at may pakay lamang sa bayan ng M’lang kasama ang tatay nito ng maganap ang di inaasahang aksidente.

Nakatakda naman na dalhin ang bata sa isang ospital na mayroong kakayahan upang isagawa ang CT Scan. Hinabol naman ng mga kapulisan ang suspek na taga Maguindanao del Sur at nahuli naman ito.