Nahulog sa isang malaking eskandalo ngayong Araw ng mga Puso, isang mister ang nahuli ang misis at kalaguyo sa isang lodging house sa Cotabato City, ngunit ang mas nakakagulat, natutulog ang anak ng ginang sa kabilang silid habang nangyayari ang lahat.
Ayon sa ulat ng Police Station 2, ang 22-anyos na si alyas “Lyn” at ang 18-anyos nitong kalaguyo na si alyas “Jun” ay nagtagpo sa isang kilalang inn sa lungsod para sa kanilang bawal na relasyon.
Ang hindi inaasahan, ang batang anak ni Lyn ay iniwan sa kabilang silid habang siya at ang kalaguyo nito ay nagtaksil.
Nagtaka ang mister ng ginang kung bakit hindi pa umuuwi ang misis, kaya’t sinundan niya ito.
Dito niya naaktuhan ang dalawa, kapwa wala nang saplot, sa kama ng inn.
Agad na pinagbubugbog ng mister ang kalaguyo at dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya.
Ang masakit, habang ang ina at kalaguyo nito ay nagkakasala, ang inosenteng bata ay mahimbing na natutulog, walang kaalam-alam sa nangyayaring trahedya sa kanyang pamilya.
Ngayon, sa halip na isang masayang Valentine’s Day, nauwi sa kulungan ang dalawa at kasong adultery ang isasampa laban sa kanila.