Nasawi sa pagkalunod ang walong taong gulang na bata na kinilalang si George Matias Billena.

Nagtatampisaw umano ang bata sa Minapan River sa bayan ng Tulunan kasama pa ang iba pang mga kaibigan ng maganap ang insidente, ayon sa ulat ng kapulisan.

Agad na dinala ng mga rumesponde sa isang ospital ang bata ngunit dead on arrival na ito ng idala sa pagamutan.