Nakamit ni Alhafidh Mohammad Campong, isang batang Bangsamoro, ang unang pwesto sa isang prestihiyosong kumpetisyon sa pag-aaral ng Qur’an.
Naitaguyod ni Campong ang kanyang tagumpay matapos maisaulo ang buong Qur’an gamit ang Hafs ‘an ‘Asim narration, isang kilalang pamamaraan ng pagbigkas ng Qur’an na tanyag dahil sa pagiging consistent at madaling aralin na tawjeed rules.
Ang kumpetisyon, na isinagawa noong Marso, ay inorganisa ng Ikha Organization sa pakikipagtulungan ng Indonesian Embassy sa Ehipto.
Ayon kay Campong, ang kanyang tagumpay ay isang patunay ng karunungan ng bawat Bangsamoro at nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan upang magsikap at magtagumpay.