Natagpuang wala nang buhay ang 13-anyos na si Angelo Ponce sa isang bahagi ng ilog sa Sitio Larbeco, Barangay Limook, Lamitan City nitong Huwebes ng umaga, Mayo 1, 2025.
Ayon sa ulat, tinangay siya ng malakas na agos ng tubig mula sa Bulingan Falls matapos ang malakas na pag-ulan sa lugar.
Huling namataan si Ponce habang naliligo sa ilog malapit sa Bulingan Falls sa Barangay Bulingan, bago ito naiulat na nawawala.
Dahil sa biglaang paglakas ng agos dulot ng ulan, nadala siya ng tubig palayo hanggang sa matagpuan na lamang na wala nang buhay.