Matapos ang ilang taong pagsawata sa kalakaran ng iligal na droga ng Ampatuan, Maguindanao Del Sur katuwang ang PDEA BARMM, nagbunga na ang kanilang pagpapagal.

Ito ay matapos na maideklara na bilang drug cleared municipality ng mismong PDEA BARMM Regional Director Gil Castro ang nasabing lugar.

Adbokasiya na aniya ng Ampatuan LGU sa pamumuno ni Mayor Bai Leah Sangki ang pagsugpo sa kalakaran ng droga sa lugar upang mapaganda at mapayabong ang kaunlaran sa bayan ng Ampatuan.

Inaasahan naman ng PDEA BARMM na mapapanatili ng nasabing bayan ang pagiging drug cleared municipality.