Nakipagpulong kamakailan ang Bangsamoro Board of Investments (BBI) sa Mindanao Development Authority (MinDA) upang pagtugmain ang mga layunin at talakayin ang mga plano para sa mas malawak na pag-unlad at eksplorasyon ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa buong Mindanao.

Layunin ng pagpupulong na ito na magbahagi ng kaalaman, tukuyin ang mga prayoridad na sektor, at magtalakay ng mga posibleng kolaborasyon para palakasin ang pamumuhunan, pataasin ang kompetitividad ng rehiyon, at buksan ang mga bagong oportunidad pang-ekonomiya.

Binigyang-diin ng parehong institusyon ang kahalagahan ng malakas na koordinasyon sa pagitan ng ahensya upang isulong ang inclusive growth at sustainable development sa Mindanao.