Nagsagawa ng orientation ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) kaugnay ng Republic Act 12066 o CREATE MORE Act sa bayan ng Wao, Lanao del Sur.

Kasabay nito isinagawa rin ang RIPP Roadshow, Investment Fora, workshop, at conference na layong palawakin ang kaalaman ng mga lokal na komunidad hinggil sa mga oportunidad sa pamumuhunan.
Ayon sa BBOI, mahalaga ang pagdadala ng ganitong inisyatiba sa Wao upang matiyak na kasama ang mga pamayanan sa Lanao del Sur sa mas malawak na pag-unlad pang-ekonomiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


















