Ipinagpapatuloy ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) ang kanilang 4th Quarter Monitoring ng mga rehistradong negosyo sa rehiyon, na ngayon ay nakatuon sa mga pangunahing establisimiyento sa turismo sa probinsya ng Tawi-Tawi.
Kabilang sa mga binisita ng grupo ang Bihing Tahik, Almari Hotel, Yalus Beach House, at Budjang Beach Resort sa bayan ng Bongao. Layunin ng naturang aktibidad na masiguro ang pagsunod ng mga rehistradong negosyo sa itinakdang pamantayan ng BBOI at tiyaking patuloy ang kanilang ambag sa sustainable economic growth ng Bangsamoro region.
Ipinakita rin ng naturang monitoring ang patuloy na suporta ng BBOI sa mga lokal na negosyong panturismo, bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang isulong ang responsableng pamumuhunan at pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Ayon sa ahensya, magtutuloy-tuloy pa rin ang mga site visit sa iba’t ibang bahagi ng BARMM sa mga susunod na linggo, bilang bahagi ng huling yugto ng kanilang monitoring activities para sa taong 2025.