Isinagawa kamakailan ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) ang kanilang 1st Quarter Monitoring para sa 2026 ng mga rehistradong investment projects sa Tawi-Tawi. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na masiguro ang epektibong implementasyon at pangmatagalang tagumpay ng mga aprubadong pamumuhunan sa rehiyon.
Saklaw ng monitoring ang mga pangunahing rehistradong negosyo kabilang ang Dahuwan Tampeh, Bihing Tahik, Budjang Beach Resort, Almari Hotel, Southern Island Development OPC, at Kaltimex Rural Energy Corp. Sa pamamagitan ng on-site assessments at konsultasyon sa mga proyekto, tinalakay ng BBOI ang progreso ng bawat proyekto, pagsunod sa mga investment commitments, at ang kontribusyon ng mga ito sa lokal na empleyo at kaunlaran ng komunidad.

















