Matapos ang mahabang pagpapahinga sa patag ng pulitika, sasabak nang muli ang beterano at dating konsehal ng Cotabato City na si Madatu “Dick” Brahim Datumanong matapos itong maghain sa ikatlong araw ng filing ng COC noong Nobyembre 6.
Tatakbo ito bilang District Parliamentary Representative sa ikalawang distrito ng Cotabato City sa kauna-unahang eleksyong Bangsamoro sa 2025.
Ayon sa dating mambabatas, hindi na bago dito ang pulitika gayundin ang pagpapanukala ng mga batas dahil dati na rin aniya nitong ginagawa sa matagal nang panahon bilang konsehal ng lungsod.