Ikinagalak ng Cotabato City LGU ang patuloy na pagbaba ng mga krimen na naitatala sa lungsod ngayong taon.

Mula sa 37 na kaso nitong Hulyo, bumaba ito ng 28 noong Agosto at 21 na lamang mula nitong Setyembre 1 hanggang nitong Setyembre 15.

Pareho aniyang bumaba ang mga index crimes na mula pito nitong Hulyo, isa na lamang ngayong Setyembre at sa non index crimes naman, mula 28 hanggang 19 sa kaparehas na mga buwan.

Sa tala naman ng focus crimes, mayroong 12 na kaso mula Hulyo hanggang nitong Setyembre 15. Apat dito ang na clear, lima ang lutas na at tatlo ang under investigation.

Nanatili naman na mataas ang crime clearance efficiency noong Hulyo at Agosto na umabot sa mahigit na 96 percent ngunit bumaba naman sa 75 percent ngayong Setyembre at ang Crime Solution Efficiency naman ay umakyat sa 88.46 percent noong Agosto bago bumaba sa 70 percent nitong Setyemnre.

Naitala rin ang apat na insidente ng pamamaril, isa dito ang nalutas habang tatlo naman ang na clear.

Sa naitalang operational accomplishments ng kapulisan, mula Hulyo hanggang kalagitnaan ng Setyembre, umabot sa 116 na operasyon ang naisagawa at 132 naman ang katao na nakalaboso rito. Kabilang na rito ang nakumpiska na ebidensya ang mahigit sa 6.1 na milyong halaga ng iligal na droga, 38 na warrant of arrest na nasilbi, 12 loose firearms na nakumpiska at dalawang operasyon kontra smuggling na nagresulta sa pagkakasabat ng 42 na kahon ng sigarilyo na may presyong aabot sa 707,500.00.

Sa usapin naman ng Barangay Drug Clearing Program, siyam sa kabuuang 37 na barangay ng lungsod ang cleared na habang 28 pa ang nananatiling uncleared. Sa tala, 13 ang barangay na may slight affectation, 17 ang moderate at 7 naman ang seryoso.

Samantala, para naman sa darating na BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre, ORANGE ang kategorya ng 37 na mga barangay sa lungsod.

Ang kategorya umano na yan ay nagpapahiwatig ng immediate security concern na nangangailangan ng mas mataas na pagbabantay at dagdag na tulong na mula sa kapulisam at iba pang mga ahensya pambatas.

Gayunman, nilinaw ng mga autoridad na hindi ito nangangahulugang nagkakagulo o mapanganib ang lungsod kung hindi, isa itong indikasyon na mas dapat tutukan ang seguridad upang maiwasan ang aberya at mga kaguluhan at banta sa panahon ng halalan.