Umabot na sa 32 katao ang nakumpirmang nasawi matapos ang pagguho ng bundok ng basura sa Binaliw landfill, Cebu City, habang ilan pa ang nananatiling nawawala, ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad.
Kasabay nito, 18 katao ang sugatan at agad na dinala sa mga ospital para sa gamutan.
Noong Enero 13, nagdeklara ang Cebu City Council ng state of calamity upang mapabilis ang tugon at pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan.
Samantala, naglabas ang Department of Environment and Natural Resources-Central Visayas ng cease-and-desist order laban sa Prime Integrated Waste Solutions, Inc., ang operator ng landfill, habang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.
Itinalaga rin ng lokal na pamahalaan ang Enero 16 bilang Day of Mourning bilang paggunita sa mga nasawi.
Ayon sa mga labor groups at waste workers’ alliances, itinuturing nila ang trahedya bilang isang “man-made disaster” na bunga ng kapabayaan at kakulangan sa maayos na pamamahala ng basura.

















