Napiling maging host ng MIss World Philippines coronation night si Billy Crawford at Universal Woman 2024 Maria Gigante.

Inanunsiyo ito ng organization sa kanilang social media account kung saan nagpost ang mga ito ng larawan ng dalawa.

Gaganapin ang coronation sa Hulyo 19 sa SM Mall of Asia Arena.

Una ng pinangalanan ng organizers ang Top 10 finalists ng kanilang Beauty With A Purpose Competition.

Ang mananalo ay kokoronahan ng kasalukuyang panalo na si Gwendolyne Fourniol.

Bukod sa Miss World Philippines crown ay papangalanan din nila ang mananalo ng Reina Hispanoamericana Filipinas at Miss Philippines Tourism.