Nadiskubre ng BTA Parliament na mayroong ‘ministry’ sa BARMM na hindi nagastos ang bilyones na pondo nito.
Sa nagging panayam ng media, ibinunyag ni BTA Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimno na mahigit 4 bilyong piso ang naipong pondo na hindi ginastos ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR mula sa taong 2023 hanggang kasalukuyan.
Sa kabila ng unspent funds ng MAFAR humirit pa ng karagdagan pang 2 bilyong piso ang kanilang ahensya kung kayat aabutin ng 6 na bilyon ang dapat nitong gastusin na pondo sa susunod na taon.
Binanggit pa ni Sinarimbo ang ulat ng World Bank na nagsasabing malaking sagabal sa paglago ng ekonomiya ang underspending o pagtitipid ng isang gobyerno sabay giit ng batikang mambabatas na kanilang kakailanganin ang malinaw na promisa ng mga ahensya at pinuno nito na gagamitin ng buo at tutumpak sa plano ang kanilang regional expenditure program o REP sakaling maging batas ang budget.
Bilang reporma at solusyon, kagyat na ipatutupad ng Ministry of Finance, Budget and Management ang anim na buwang fund reversion kung daan automatic na ibabalik ang pondomg di nagamit o underspent.

















