Arestado ng kapulisan ang isang 20 years old na binata matapos itong iturnover ng nakahuli ritong kagawad ng Barangay dahil sa nakita ritong baril at mga bala na walang tamang dokumento o lisensya.

Kinilala ang suspek na. Si Bonifacio Provido y Etes, 20-anyos, walang asawa at residente ng President Roxas, Cotabato.

Nakuha sa pagiingat nito ang isang yunit ng kalibre 22 na pistola na walang serial number na kargado ng anim na bala at 34 na piraso ng kalibre 22 na bala na nakasilid sa kulay black at blue na sling bag nito.

Sinasabing pagala gala lamang ang suspek bitbit ang armas nito at ng sitahin ng kagawad na si Julie Amoloy, dito na nila napagalamang walang lisensya ang baril dahilan upang dalhin ito sa Antipas Police.

Matapos ang eksaminasyong medikal sa suspek, isinailalim si Provido sa kustodiya ng kapulisan at inihahanda na ang isasampang kaso sa kanya na may kinalaman sa paglabag sa RA 10591 at ang paglabag din sa umiiral na COMELEC gunban.