Nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay para sa programa sa Sustenableng Kabuhayan ng mga PDL o Persons Deprived of Liberty ang Bureau of Jail Management and Penology sa BARMM katuwang ang tanggapan ng butihing BTA Interim Member of Parliament Atty. Teng M. Ambolodto MNSA.

Ginanap ang tatlong araw na pagsasanay noong Nobyembre 11-13 sa isang resort sa Lake Sebu, South Cotabato at may paunang seremonya na ginanap sa Cotabato City na nilahukan ng mga pili na opisyal ng 11 na BJMP-BARMM facilities.

Ayon sa batikang mambabatas, ang nasabing pagsasanay ay bilang suporta ng opisina sa tinatawag na Therapeutic Community Modality Program na osa sa mga pangunahing programa sa ilalim ng Behavioural Management and Modification Program ng BJMP na tumutugaygay sa positibong kaisipan at kondukto ng mga PDL.

Sa pahayag ni BJMP BARMM Director JSSupt. Bermar Adlaon na ang mga ganitong programa ay may mahalagang paggampan sa rehabilitasyon, reporma at pagbabago ng mga minsan ay naliko sa maling landasin ng buhay.

Aniya, ang inisyatibo na ito ay may layunin na magbigay kasanayan sa mga PDL na magpapaunlad ng kanilang positibong kaisipan, pro social na pagpapahalaga, tamang pagdedesisyon at epektibong paghahanap buhay sa loob ng pasilidad.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si JSSupt. Adlaon sa butihing mambabatas sa kanyang dedikasyon at pagsuporta sa mga programa ng ahensya para sa mga PDL.

Pinangasiwaan naman ng The Moroprenur Inc. ang nasabing Three Day seminar workshop.