Isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao ang condemnation activity sa mga nakumpiska at ipinagbabawal na sigarilyo bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas laban sa iligal na kalakalan.

Ayon sa ulat, umabot sa 6,400 master cases o tinatayang ₱235 milyon ang mga nasamsam na sigarilyo mula sa mga operasyon sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Davao Region. Kabilang sa mga pangunahing produkto ang Bosqu, Cannon Menthol, at Gajah Baru.

Kasama ang Bureau of Fire Protection at ang accredited service contractor na Greenleaf 88 Non-Hazardous Waste Disposal, siniguradong hindi na magagamit ang mga nasamsam na sigarilyo sa pamamagitan ng damping at pagdurog gamit ang road roller.

Ang operasyon ay bahagi ng regular na mandato ng BOC – Port of Davao sa pagpapatupad ng batas at regulasyon hinggil sa illegal na kalakal.