Arestado kaninang tanghali sa Cotabato City ang isang bomb expert na may kasong pagpatay at panununog.

Kinilala ng NBI-BARMM ang suspek na si Lotri Aman Bangcailan. Ayon sa mga otoridad, may koneksyon ito sa Dawlah Islamiyah Hassan Group at sa lider nitong si Salahuddin Hassan, na responsable sa mga pambobomba at pananakot sa rehiyon ng Bangsamoro.

Sangkot umano si Bangcailan sa pagpapasabog ng isang yellow bus sa Tulunan, North Cotabato noong Enero 2021, at sa pagsunog ng isa pang yellow bus sa Mlang, North Cotabato, kung saan may mga nasawi.

Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang kaso sa magkaibang korte. Wala ring piyansa na inirekomenda para sa mga kasong ito.

Ayon sa NBI-BARMM, matagal nang pinaghahanap si Bangcailan at palihim na nagtatago sa Cotabato City. Nahuli siya sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng PNP, NICA-BARMM, at NBI-BARMM.

Dahil sa bigat ng mga kaso na ipupukol sa kanya, walang inirekomendang piyansa sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.