Narecover at ligtas na nadisposed ng army ang isang Improvised Explosive Device (IED) na natagpuan sa irrigation spillway sa Brgy. Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Bago ang operasyon, ipinaalam ng opisyal ng Barangay Malingao na may naganap na pagsabog sa nasabing lugar, na nagdulot ng pangamba sa mga residente ukol sa kanilang seguridad. Matapos ang masusing beripikasyon sa lugar ng insidente, natagpuan ang IED at agad na naglatag ng perimeter security ang tropa ng Bravo Company habang ininspeksyon ng EOD team ang sitwasyon at inihanda ang ligtas na pag-neutralize ng bomba.
Ang nasabing IED ay binuo gamit ang isang 81mm HE, nilagyan ng shrapnels tulad ng mga pako na gawa sa kongkreto, at dinisenyong command-detonated gamit ang isang Baofeng radio.
Ipinakita ng operasyong ito ang matibay na dedikasyon at pakikipagtulungan ng Barangay Local Government Unit ng Malingao, mga concerned citizens, at ng 33rd Infantry Battalion upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng komunidad.
Ang matagumpay na pagbawi at pagsira sa IED ay isang patunay na may mahalagang papel ang komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng mamamayan at maagang pag-aksyon laban sa mga posibleng banta ng kaguluhan at karahasan sa lipunan.