Bilang tradisyon kada papasok na bagong taon, standard o nakagawian na ng inyong Number One and Most Trusted Network in the Country, Bombo Radyo Philippines na tipunin ang mga Top Level Managers maging ang mga top brass leaders nito sa buong bansa sa taunan nitong Top Level Management Conference o TLMC.

Ang TLMC 2025 ng network na mayroong temang LEADER OF UNMATCHED INNOVATION IN RADIO REVOLUTION, layunin ng nasabing pagtitipon na sukatin at paghusayin pa ang performance ng 31 Fully Digitalized Star FM at BOMBO Radyo AM stations sa buong bansa kabilang na rito ang 93.7 Star FM Cotabato.

Magaganap ang nasabing pagtitipon sa tinaguriang Seat of Power ng Bombo Radyo Philippines, ang siyudad ng Iloilo simula ngayong araw ng Lunes, Enero 6 at magtatapos sa Enero 11, araw ng Sabado.

May mga imbitado din ang network na mga resource speakers na maaring makakuha ng inputs o dagdag kaalaman ang bawat isa na nasa komperensya at dito rin nabubuo ang mga ideya, mga programa maging ang mga taunang pakulo at proyekto ng Radio Network.

Sa gitna ng kumakalat na mga fake news, misleading information maging ang pagdami ng mga indibidual o grupo na nagpapakalat ng mga ito, nananatiling nakatindig ang Bombo Radyo Philippines bilang Number One and Most Trusted na network na masasandigan ng ating mga kababayan sa pagbibigay ng tumpak, patas at makatotohanang pagbabalita at impormasyon.

Nangunguna rin ang Bombo Radyo at Star FM sa tinatawag na makabagong teknolohiya o ang tinatawag na Full Digitalization sa pamamagitan ng pagbili at pagkuha ng mga makabagong kagamitan at mga lohistika upang makaabot at maging kaisa ng bawat tagapakinig maging tagapanood ang 31 Fully Digitalized AM at FM stations ng Bombo Radyo Philippines na nakakalat sa buong kapuluan.

Nangunguna rin sa mga pakulo at proyekto ang Bombo Radyo at Star FM na nakakapagpaangat sa buhay ng bawat mamamayan kagaya ng taunan at record breaking na Dugong Bombo Blood Letting Project, mga HANDOG concerts at ang mga quarterly long promos na Buena Mano Salvo, Swerte sa Palengke maging ang katatapos lamang na One Two Panalo.

Asahan ninyo na sa bawat plano, bawat ginagawa at gagawin pa ng inyong Number One at Most Trusted Radio Network in the Country, Bombo Radyo Philippines ay lagi kayong mangunguna dahil sa inyo, Number One ang Bombo Radyo.

Basta Radyo… BOMBO! Star FM… Its All for You!