Maalab na binigyang pagpupugay at pagkilala ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang limampu’t walong taon (58) na anibersaryo ng Bombo Radyo Philippines ngayong araw, Hulyo 6.

Sa isang mensahe na ibinahagi ng punong ministro, sinabi nito na naging kabahagi ng bawat mamamayang Bangsamoro ang Bombo Radyo Philippines sa pagbibigay at paglalahad ng patas, walang kinikilingan at makatotohanang pagbabalita kung kaya’t nakuha rin nito ang pagtitiwala ng taong bayan na tagapakinig nito at ang taguri na Number One and Most Trusted Radio Network in the Country.

Sa huli, sinabi ni Ebrahim na magtuloy tuloy ang tagumpay ng Bombo Radyo Philippines hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.