Naging viral ang kasal sa Davao del Norte, matapos tila ayaw mag pahalik ng bride sa kanyang groom sa oras ng seremonya kahit na sinabi na ng pari na ‘You may now kiss the bride’.

Ayon sa impormasyon, ang bride na si Wena ay kilala bilang isang mahiyaing tao, kung kaya’t nahiya siyang humalik sa kanyang groom na si Victor.

Sa viral video, makikita ang bride na pilit tinatakpan nito ang kanyang labi dahil nahihiya itong mag-kiss sa harap ng maraming tao. Napag-alaman din na bukod sa pagiging mahiyain ni Wena, hindi pa raw sila naghalikan ni Victor sa buong panahon ng kanilang relasyon.

Maraming netizens ang natawa at natuwa sa eksena, may iba pang nag sabing nakaka relate sila sa pagkahiyang nararamdaman ng bride, ang iba naman ay nag sabing nag dulot ito ng kasiyahan sa seremonya kaya’t mabilis itong kumalat sa social media.