Nakiisa ang mga opisyal at mga kawani ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board sa 2024 National Productivity Conference and Productivity Olympics ng National Wages and Productivity Commission.
Ginanap sa Crowne Plaza Manila sa Quezon City noong Oktubre 14 ang naturang pagtitipon na may temang Paggamit ng mga Teknolohiya, Pagmainstream ng Productividad, Pagbuo ng Kinabukasan.
Pinangunahan ni BTWPB Board Secretary 6 Bailyn Nanding ang pangkat kasama sina Labor and Employment Officer 2 na si Rohaima Amerol at ang mga Admin Aide 3 na sina Norris Asgar at Nanding Wahab, Jr. Nakasentro ang nasabing programa sa digitalisasyon maging ang Artificial Intelligence o AI.
Tinalakay dito ang mga mahahalagang pointers kung paano magiging kapaki-pakinabang ang AI sa lugar ng pagtatrabaho.